NTC, bigong maipatupad ang SIM Registration Law laban sa mga POGO

NTC, bigong maipatupad ang SIM Registration Law laban sa mga POGO

BIGO ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapatupad ng SIM Registration Law laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, tila nakalimutan ng NTC ang kanilang trabaho o responsibilidad dahil talamak pa rin ang scammer na gumagamit ng SIM sa industriya ng POGO tulad ng pagsasagawa ng love scam, crypto-currency scam, at iba pang mga investment scam.

Ang SIM Card Registration Act, ay isinabatas na may pangunahing layunin na bawasan, kung hindi man tuluyang maalis, ang mga scam na ginagawa sa pamamagitan ng text o online messages.

Ngunit ang mga aktibidad ng scamming ay tumaas nang malaki, taliwas sa inaasahan.

Pinaalalahanan naman ni Gatchalian ang NTC na hindi dapat nila ipagwalang bahala ang batas at siguraduhing maayos na maipatupad ang SIM Card Registration Law.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble