NTF-ELCAC pumalag sa paratang ng Kabataan, ACT Teachers party-lists sa umano’y “red-tagging” pamphlet

NTF-ELCAC pumalag sa paratang ng Kabataan, ACT Teachers party-lists sa umano’y “red-tagging” pamphlet

MARIING pinabubulaanan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga paratang ng Kabataan at ACT Teachers party-lists kaugnay ng diumano’y pamamahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga “red-tagging” pamphlet.

Na naglalarawan sa mga raliyista bilang mga terorista sa isang seminar na ginanap sa Taytay Senior High School sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Usec. Ernesto Torres Jr. Executive Director ng NTF-ELCAC sinabi nito na kung susuriing mabuti ang naturang mga pamphlet madali lang aniya mapapatunay na walang “red-tagging” sa nasabing mga materyales.

Aniya Ito ay simpleng paraan lamang upang magbigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa modus operandi ng mga rekruter ng New People’s Army (NPA) na batay na rin aniya sa katotohanan at ebidensiya.

Kung matatandaan nagsagawa ang 80th Infantry Battalion ng Philippine Army ng seminar bilang bahagi ng isang civic education program na naglalayong magbigay ng kamalayan tungkol sa mga banta sa pambansang seguridad at magtaguyod ng nasyonalismo sa mga kabataan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter