NTF-ELCAC sa pagpanaw ng mga Tiamzon: Wala nang kukumpas sa CTGs

NTF-ELCAC sa pagpanaw ng mga Tiamzon: Wala nang kukumpas sa CTGs

INAMIN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagkasawi ng mag-asawang Benito at Wilma Austria-Tiamzon.

Ang dalawa ay high ranking leader ng CPP na kalaban ng gobyerno.

Bahagi ang mga Tiamzon ng peace panel ng makakaliwa na ginagamit na taktika para palakasin ang armed wing ng grupo na New People’s Army (NPA).

Pero, 2022 pa nang mapaulat ang pagkamatay ng dalawa sa pagsabog ng isang bangka sa Samar.

At ngayong inamin na mismo ng CPP, tagumpay ang mensahe nito para sa pamahalaan.

“Well unang-una matagal na nating naririnig na namatay nga raw yung mag-asawang Tiamzon noong last year pa. And ngayon meron na tayong confirmation from the CPP itself na wala na nga sila. So, sa atin sa NTF-ELCAC ay malaking epekto ito sa liderato nila considering na si Joma ay namatay na rin. So, magkakaroon ng problema sa kanila kung sino ang kukumpas sa mga gawain ng CPP-NPA-NDF,” saad ni Ret. Gen. Ernesto Torres, Jr. Executive Director, NTF-ELCAC.

Sinasabi na ang mga Tiamzon ang kabilang sa utak ng 1985 Inopacan Leyte Massacre, kung saan dose-dosena ang pinatay dahil sa hinalang trinaydor nila ang mga kasamahan sa CPP-NPA.

Katunayan, nagkaroon pa nga ng tig-10 milyong pabuya noon para mahuli ang dalawa.

2014 nang maaresto ang mag-asawa pero silay ginawang political prisoners ng mga makakaliwa.

Pinakawalan sila noong 2016 ni dating Pangulong Duterte upang makadalo sila bilang peace consultants ng National Democratic Front (NDF) nang magkaroon noon ng peace talks sa Oslo, Norway.

Pero, walang resulta ang peace talks dahil patuloy na pag-atake ng NPA sa gitna ng negosasyon.

Nauna rito, hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court ang mag-asawang Tiamzon na guilty sa kidnapping at serious illegal detention.

At pinatawan ng parusang ‘reclusion perpetua’ o pagkabilanggo ng mula 20 hanggang 40 taon.

Mensahe naman ng pamahalaan sa mga aktibong makakaliwa…

“Malaman sana nila na kapag ikaw ay miyembro ng CPP-NPA, oras na lang o araw na lang talaga ang nakatakda kung kailan ka mapapatay sa engkuwentro o mahuhuli,” saadni Sec. Eduardo, National Security Adviser.

Dalawang guerilla fronts na lamang ng CPP-NPA ang natitira ngayon sa bansa ayon sa NTF-ELCAC.

Yan ay dahil sa tagumpay ng task force magmula nang ilunsad ito noong 2018 ng Duterte administration.

Noong wala pang Task Force ELCAC, nasa 89 na guerilla fronts ang nililinis ng pamahalaan.

Guerilla fronts ang tawag sa mga lugar na may matinding impluwensya ng insurhensiya.

“It is just a matter of time na madi-dismantle na rin yung dalawang guerilla fronts. Meaning pag nangyari yan ay makakapag-focus na yung region sa peace and development. And the same thing no has happened to throughout the country” ani ni Torres.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter