Number coding scheme, isususpinde sa piling mga araw ngayong holiday season

Number coding scheme, isususpinde sa piling mga araw ngayong holiday season

INILABAS na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga araw kung kailan isususpinde nila ang number coding scheme ngayong Kapaskuhan.

Sa advisory, hindi iiral ang number coding scheme sa Disyembre 24 hanggang 25 at Disyembre 30 hanggang 31, 2024.

Maging sa Enero 1, 2025 ay suspendido rin ang number coding scheme.

Paalala naman ng MMDA, maging maingat sa mga pagbiyahe ngayong holiday season.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble