Number coding suspendido ngayong Hunyo 12—MMDA

Number coding suspendido ngayong Hunyo 12—MMDA

SUSPENDIDO ang number coding scheme ngayong Hunyo 12, 2025 ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bahagi ito ng paggunita sa ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Pinaaalalahanan na ng MMDA ang mga motorista na planuhin ng maayos ang kanilang biyahe, sumunod sa batas-trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.

Samantala, para sa commuters, libre ang sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 sa Araw ng Kalayaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble