NUP, suportado si DOJ Sec. Boying Remulla

NUP, suportado si DOJ Sec. Boying Remulla

SUPORTADO ng National Unity Party (NUP) si Justice Sec. Boying Remulla sa gitna ng hamon na kinakaharap nito ngayon.

Nasa Switzerland ngayon ang opisyal para katawanin ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council nang mahuli kamakailan ang panganay nitong anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III dahil sa iligal na droga.

Ayon sa NUP, kilala nila si Remulla bilang maprinsipyong opisyal na uunahin parati ang interes ng bansa.

Patuloy namang ibubuhos ng partido kay Remulla, vice-chairman ng partido ngayon na nasa matinding hamon ang opisyal.

“As a principled man, we know that Secretary Remulla will always uphold the rule of law,” saad ng partido.

Pirmado naman nina NUP Chairman Ronald Puno at Party President at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund ‘LRay” Villafuerte ang pahayag ng NUP.

Follow SMNI NEWS in Twitter