Obiena, nanalo ng bronze sa Poland

Obiena, nanalo ng bronze sa Poland

NAKUHA ni National Pole Vaulter EJ Obiena ang bronze medal makaraang malundag ang 5.72 meters sa Memorial Irena Szewinska sa Bydgoszcz, Poland.

Si Chris Nilsen ng United States of America naman ang nakakuha ng gold medal matapos nitong ma-cleared ang 5.92 meters.

Habang pumangalawa si Piotr Lisek ng London na may 5.82 meters.

Unang sumubok si Obiena sa 5.82 meters ngunit nabigo sa kaniyang tatlong attempts.

Susunod namang paghahandaan ni Obiena ang pagsabak nito sa Asian Athletics Championships sa Pattaya, Thailand sa Hulyo at sa 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary sa Agosto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter