OCD at PH Navy, kinokonsidera ang pagbili ng sariling ROV

OCD at PH Navy, kinokonsidera ang pagbili ng sariling ROV

KINOKONSIDERA na ng Office of the Civil Defense (OCD) maging ang Philippine Navy ang pagbili ng remotely-operated vehicle o R.O.V., isang uri ng underwater robot.

Ayon ito kay OCD Information Officer Diego Mariano sa panayam ng SMNI News.

Bukod sa pagkuha ng footage ay marami rin ang kakayahan na makatutulong sa anumang kaparehong insidente.

May kakayahan din itong sumisid sa karagatan na may 2 libong metrong lalim kumpara sa gamit ngayon ng Philippine Navy na technical divers na umaabot lamang hanggang sa 300 metro.

Matatandaang ang R.O.V. mula sa Japan ang nakatulong para matunton ang lokasyon ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Samantala, umabot na sa 4 na probinsiya ang oil spill at ito ay sa Batangas, Mindoro, Palawan, at Antique.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter