OCD hinimok ang agarang pagtukoy ng mga evacuation centers ngayong papalapit ang tag-ulan

OCD hinimok ang agarang pagtukoy ng mga evacuation centers ngayong papalapit ang tag-ulan

HINIHIMOK ng Office of Civil Defense (OCD) ang agarang pagtukoy sa mga evacuation center ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, kailangang mapabilis ang pagtatayo ng mga evacuation center dahil hindi madali ang pagtukoy sa mga lugar na dapat aprubado ng ahensiya, at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kailangan na ang mga lugar na matutukoy ay pagmamay-ari ng gobyerno dahil kung pribado, bukod sa mahal ang gastos, matagal ang proseso ng pagbili nito.

Tinukoy ng opisyal na ang isang evacuation center ay kailangang mayroong study area, lugar para sa mga nagpapasusong ina, isang prayer area, isang kusina, at mayroong tubig at kuryente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble