KUMPIYANSA si Solicitor General Menardo Guevarra an malakas ang isasampang kaso ng pamalahaan laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Gayunman ay ayaw magbigay ni Guevarra ng garantiya hinggil sa magiging resulta ng kaso sa ngalan ng demokrasya.
Nilinaw naman ng Office of the Solicitor General na sa kasalukuyan ay nakatutok lamang sila kay Guo at hindi pa binibigyang pansin ang iba pang personalidad na posibleng sangkot sa mga iligal na aktibidad.
Matatandaang una ng sinabi ni Guevarra na target nilang isumite ang quo warranto case laban kay Mayor Guo anumang araw ngayong Linggong ito.