OFW Children’s Circle, pangungunahan ng OWWA      

OFW Children’s Circle, pangungunahan ng OWWA      

ILULUNSAD ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang OFW Children’s Circle.

Ibinahagi ito ni Administrator Arnell Ignacio sa panayam ng SMNI News alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa kapakanan ng mga anak ng OFW.

Layunin ng OFW Children’s Circle na maturuan ang mga anak ng OFW ng iba’t ibang kapaki-pakinabang na mga gawain.

Maliban pa dito ay mas ilalapit pa ng OWWA ang kanilang serbisyo sa mga OFW.

Ayon kay Ignacio, magiging active ang lahat nilang platforms upang agad na matugunan ang mga kinakailangan ng mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter