ISANG guro mula sa Mandalay, Myanmar ang nagbigay ng kanyang kwento sa isang matinding lindol na tumama sa bansa.
“I’ve had several earthquakes experiences in the Philippines but that was actually nothing compared to this one. Tapos, hindi ito isang beses lang, it actually happened two times in a day. So just a few minutes after the first one, nag hit ang isa,” ayon kay Glyzon Flores, Psychology & Humanities Teacher in Myanmar.
Ito ang naging komento ni Glyzon Flores isang Psychology at Humanities Teacher sa Myanmar matapos ang 7.7 magnitude earthquake na tumama sa bansa.
Ani Flores nakalabas na siya sa Mandalay matapos ang labin limang oras na biyahe mula sa siyudad na karaniwang walo hanggang sampung oras lamang ang biyahe.
Sa kanyang kwento, inilarawan nito ang malakas na lindol na tumama sa Skyvilla, kung saan may mga nawasak na mga palapag.
“Kasi luckily, holiday ng Thursday, pinabalik kami ng school ng Friday kasi may pasok na Friday. Because nga walang pasok ng Thursday. But if it happened on Thursday, probably more Filipinos would have actually died and buried under the rubbles,” saad ni Flores.
Habang siya ay nasa pang apat na palapag umano parang dinuduyan siya ng lindol at hindi siya makatakbo.
Pagkatapos ng unang lindol, isang malakas na aftershock na naman umano ang tumama.
Sa kasalukuyan, apat na Filipino ang iniulat na nawawala, at ang ilan pa ay patuloy na nanatili sa mga lugar na itinuturing na hindi ligtas.
Bagamat hindi lahat ng gusali sa kanilang lugar ay gumuho, sinabi ni Flores na maraming mga building ang nagkaroon ng malalaking bitak mula sa pundasyon hanggang sa mga unang palapag.
“The first time naka labas pa kami tapos dinala namin ang mga bata sa safer grounds sa football area namin tapos nung mga medyo nag-settle settle na ng konte doon naman nag-hit ang pangalawang lindol,” wika ni Flores.
Sa huli, binanggit ni Flores na ang mga bagong struktura tulad ng mga parke at ilang mga paaralan ay gumuho rin. Gayunpaman, ang mga lumang gusali tulad ng Skyvilla ay nakaranas ng matinding pinsala.
Follow SMNI News on Rumble