NAKIISA si OFW Party-list Rep. Magsino sa isinagawang Young and Adult Camp 2023 ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Hong Kong, araw ng Linggo.
Sa imbitasyon sa kaniya, hindi lamang siya nagbigay ng mensahe sa mga OFW sa Hong Kong kundi isa rin siya sa nakilahok sa masayang aktibidad na isinagawa sa Southern Stadium.
Napahanga ang kongresista dahil sa ipinamalas na talento at galing ng mga OFW sa isinagawang kompetisyon.
Isa rin ang opisyal sa naging judges sa cheer dance competition.
Distressed OFW sa Hong Kong handang tulungan ng OFW Party-list
Samantala, naging mabunga naman ang pag-uusap sa pagitan ng OFW Party-list at ng mga opisyal ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.
Ayon kay Consul Gen. Raly Tejada, maliit lamang na porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong distressed sa Hong Kong.
Karamihan sa mga OFW doon maayos ang kondisyon sa kanilang mga employer.
Gayunpaman, handang maging katuwang ng OFW Party-list ang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong para tulungan ang mga distressed OFW.
Nagpahayag naman ng pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si Magsino dahil sa pagkakataon na makasama niya ang mga OFW sa Hong Kong.