NGAYONG Martes, Abril 22, epektibo na ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa anunsyo mula sa mga kumpanya ng langis, narito ang dagdag-presyo kada litro:
Gasolina – +₱1.35
Diesel – +₱1.30
Kerosene – +₱1.10
Ang taas-presyo ay nagsimula alas 6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments mamayang 4:01 ng hapon.
Dahil dito, inaasahang maaapektuhan ang mga gastusin sa transportasyon at logistics. Pinapayuhan ang mga motorista at negosyante na i-monitor ang galaw ng presyo at magplano ng maayos sa konsumo ng langis.