Oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

Oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

MATAPOS ang 2 linggong rollback, may namumuo namang oil price hike sa susunod na linggo.

Ito ay batay sa unang 4 na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).

Tinatayang nasa 74 sentimos ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa 96 sentimos naman ang inaasahang dagdag sa kada litro ng diesel habang 24 sentimos sa kada litro ng kerosene.

Inaasahang malalaman ang eksaktong price adjustment sa Lunes, Pebrero 20, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter