NANGANGAMOY rollback naman sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay batay sa resulta ng unang 4 na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
Batay rito, nasa P1.55 kada kilo ang magiging bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa P3.18 ang inaasahang kaltas sa kada litro ng diesel at P3.95 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang malalaman ang eksaktong rollback sa susunod na linggo.