ITINABLA ng Oklahoma City Thunder ang best-of-seven series ng 2025 NBA Finals laban sa Indiana Pacers sa 2-2.
Ito’y matapos gumawa ng 4th-quarter scoring run ang OKC sa Game 4 sa iskor na 111-104.
Hinugot ni Shai Gilgeous-Alexander ang 15 sa kaniyang 35 points sa huling 4:38 minuto ng laro para akayin ang Thunder at resbakan ang Indiana Pacers sa Game 4 ng NBA Finals.
Habang 27 points naman ang ambag ng small forward na si Jalen Williams.
Tumulong din sa panalo ng OKC si Alex Caruso at nagbuhos ng 20 points sa loob ng 20 mins na paglalaro.
Hindi naman naisalba ng dalawang all-around player ng Pacers na sina Tyrese Haliburton at Pascal Siakam ang kanilang koponan sa kabila ng magandang performance sa unang tatlong quarter at homecourt advantage.
Dadalhin ang Game 5 sa Oklahoma City sa Martes, Hunyo 17, 2025 matapos mabawi ng Thunder ang home-court advantage.