Olivia Rodrigo, nais magkaroon ng tour schedule sa Pinas

Olivia Rodrigo, nais magkaroon ng tour schedule sa Pinas

HOSPITABLE at awesome! Ganito inilarawan ng American singer-songwriter at actress na si Olivia Rodrigo ang mga Pilipino.

Dahil dito, inihayag ng singer na nais niyang magkaroon ng tour schedule sa Pilipinas lalo pa’t kaka-release lang din ng kaniyang second album na may pamagat na “Guts”.

Sa katunayan, si Olivia ay may dugong Pilipino.

Bagama’t ipinanganak sa California, USA, ang ama niya ay isang Pilipino at ang kaniyang ina ay isang German-Irish.

Sumikat naman si Olivia sa kaniyang kantang “Driver’s License” at nanalo na rin ito ng tatlong Grammy Awards.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter