IDI-DISPLAY sa Eiffel Tower sa France ang limang Olympic rings ngayong naghahanda na ang Paris bago ang pasisimula ng 2024 Paris Olympics at Paralympics.
Sisimulan na ang paglalagay nito sa huling bahagi ng buwan ayon sa organizers.
Partikular na ilalagay ito sa bahagi ng Eiffel Tower na nakaharap sa Seine River.
Ang 95-foot-long at 49-foot-high na Olympic rings ay sinasabing gawa lahat mula sa recycled French steel.
Ang 2024 Paris Olympics ay magaganap mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11 habang ang paralympics ay sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8.