IIMBESTIGAHAN na rin ng Office of Ombudsman ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa mataas na presyo ng sibuyas.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang tingnan ang pagkakasangkot ng mga trader sa price manipulation na maaring naging dahilan ng pagtaas ng farm gate price ng sibuyas.
Sinabi ni Martires na hihingi siya ng paliwanag mula sa mga DA official at Food Terminal Incorporated (FTI).
Kaugnay nito, sinabi ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez na welcome sa ahensya ang ikakasang imbestigasyon ng Ombudsman.
Nirerespeto aniya nila ang otoridad ng Ombudsman at handang magpaliwanag kung ipatatawag. presyo ng sibuyas.