“On the Ground” ni Blackpink Rosé, eligible na for platinum certification sa US

“On the Ground” ni Blackpink Rosé, eligible na for platinum certification sa US

ELIGIBLE na para sa isang RIAA platinum certification sa Estados Unidos ang “On the Ground” solo song ng main vocalist ng Blackpink na si Rosé!

Ito’y dahil nasa 1 million units na ang naibenta nito sa US.

Kasama na ito sa platinum certification na nakuha ng kanyang kapwa Blackpink members na sina Lisa para sa kanta nitong “money” at “one of the girls” nina Jennie, Lily Rose Depp at the Weeknd.

Ang kanta naman na “Gone” ni Rosé ay eligible na rin para sa gold certification sa Estados Unidos matapos umabot ng 500 thousand units ang naibenta nito sa naturang bansa.

Samantala, sa record, ang mga nabanggit na kanta pa lang ang natatanging mga kanta mula sa K-pop female soloists na nakakuha ng platinum certification sa US.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble