“On The Job” series, nominado para sa International Emmy Award 2022

“On The Job” series, nominado para sa International Emmy Award 2022

NOMINADO ang HBO Asia original series na “On The Job” para sa Best TV Movie/Mini-Series sa International Emmy Award 2022.

Ang “On The Job” na nilikha nila Erik Matti at Michiko Yamamoto ay isang six-part mini-series na in-adapt mula sa 2013 film na parehong title at sequel nitong “The Missing 8” na ipinalabas noong 2021 sa 78th Venice International Film Festival.

Tungkol ang serye sa sindikato ng krimen na pansamantalang pinapalaya ang mga bilanggo sa ilalim ng kontrata upang isagawa ang political assassinations para sa mga nakaupo sa kapangyarihan.

Ang mga nominado para sa 2022 International Emmy Awards ay aabot sa 23 na mga bansa at 15 na categories.

Nakatakdang idaos ang 50th International Emmy Awards Gala sa November 21 sa New York City.

 

Follow SMNI News on Twitter