Online consultation system para sa mpox patients, ikinokonsidera

Online consultation system para sa mpox patients, ikinokonsidera

IKINOKONSIDERA ng Department of Health (DOH) ang magkaroon ng online consultation system para sa mpox patients sa buong bansa.

Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, makikipagtulungan sila sa Philippine Dermatological Society para dito.

Kaugnay rito, nauna nang sinabi ng ahensiya na makatatanggap ng smallpox vaccines mula sa World Health Organization (WHO).

Ang naturang bakuna ay makatutulong para sa mga Pilipino laban sa mpox.

Sa ngayon ay nasa African countries pa nakatutok ang pamamahagi ng bakuna dahil sa napakalawak na mpox outbreak doon.

Matatandaang idineklara na ng WHO noong Agosto 14 na isang public health emergency of international concern ang mpox.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble