Online manual para sa mga breast cancer patients, ilulunsad ng ICanServe Foundation

Online manual para sa mga breast cancer patients, ilulunsad ng ICanServe Foundation

ILULUNSAD ng Philippines-based ICanServe Foundation, Inc. ang isang online manual para sa breast cancer patients sa huling araw ng 6th Southeast Asia Breast Cancer Symposium na gaganapin mula Setyembre 23-25, 2022.

Idinisenyo ang manual upang gabayan ang mga breast cancer patient, mga survivor, at kanilang mga caregiver sa mga hakbang na dapat gawin, mula sa pag-unawa sa kanilang diagnosis hanggang sa pamumuhay nang higit pa sa kanser.

Ang Breast Cancer Patient’s Manual ay maghahatid ng mahahalagang impormasyon ukol sa nasabing sakit upang matulungan ang mga pasyente na hindi gaanong mabigla at matakot.

Maaaring ma-download ang manual nang libre pagkatapos ng opisyal na paglulunsad.

Isinulat ang nasabing libro ng mga breast cancer survivors.

Follow SMNI NEWS in Twitter