PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na i-proseso nang personal ang kanilang mga transaksiyon sa ahensiya.
Ipinag-utos ng LTFRB na gawin na lamang opsiyonal ang online na pagkuha ng dokumento para sa ilang piling transaksiyon sa ahensiya.
Kabilang sa mga online transaksiyon ay: Request for Special Permit; Request for Confirmation of Units; Request for Franchise Verification; Correction of Typographical Error; at Request for Issuance of Extension of Provisional Authority.
Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 2023-019 na inilabas, upang amyendahan ang Memorandum Order No. 2020-016 na unang inisyu noong Abril 2020.
Ang online noong transaksiyon sa pagkuha o pagproseso ng mga dokumento sa ahensiya ay sa gitna ng pagpatutupad ng general community quarantine sa mga lugar na itinuturing na ‘low’ o ‘moderate risk areas’ dahil sa COVID-19.
Pero, nakasaad sa bagong inilabas na memorandum ang pagpahihintulot ngayon ay personal na paghahain ng request para sa mga nabanggit na transaksiyon.
Sa kabila nito, ipinaalam ng LTFRB na kinakailangang bayaran ang filing fees para sa mga nasabing transaksiyon, personal man o online ito isinagawa.
“Nevertheless, we will continue to encourage online filing of certain transactions in order to decongest activity at the LTFRB Offices, plus the fact that COVID-19 still exists so precautions must still be in place,” pagbibigay-diin ni Atty. Teofilo Guadiz, III, Chairperson LTFRB.