OPD at cancer institute ng PGH, binuksan muli matapos isinara kahapon dulot ng bagyo

OPD at cancer institute ng PGH, binuksan muli matapos isinara kahapon dulot ng bagyo

BALIK normal na ang operasyon ngayong araw ang outpatient department at cancer institute ng Philippine General Hospital (PGH) matapos na isinara kahapon dahil sa epekto ng Bagyong Carina.

Ito ay kaugnay pa rin o para mas mapalawak pa ang pagresponde ng naturang ospital sa mga nangangailangan ng tulong-medikal dulot ng epekto ng bagyo at Habagat.

Nabatid na nahirapang ma-access o mapasok ng mga pasyente ang nasabing pasilidad dahil sa mataas na baha sa paligid ng mga gusali sa PGH.

Samantala, kinumpirma naman ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na walang kagamitan sa naturang ospital na nasira o naapektuhan sa insidente kaya ligtas at maaari pa rin gamitin sa mga pasyente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble