KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pansamantala na nilang sinuspinde ang operasyon ng panibagong transport network company na inDrive.
Ito ang napagdesisyunan sa ginanap na pagdinig ng LTFRB nitong Martes, Enero 23, 2024.
Ayon sa LTFRB, pinatawan ng suspension ng nasabing transport network company dahil sa paglabag sa fare regulation ng ahensiya.
Kasunod ito sa mga reklamo ng umano’y pangongontrata at nakikipagtawaran umano ng pamasahe ang inDrive partner drivers sa bawat booking na matatanggap ng mga ito sa application mismo ng nasabing TNC.
Ito ay kahit na mayroon nang nakatakdang pamasahe na makikita sa application para sa isang particular booking.
Bibigyan ng 15 araw na palugit ang kompanya upang i-comply ang kinakailangan mga nakasaad sa Memorandum Circular 2019-036 o Fare Rates for Transportation Network Vehicle Services (TNVS).