KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagpapatuloy ang operasyon ng General Santos City Airport.
Kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.3 na lindol sa probinsya ng Sarangani sa Davao Occidental ngayong Miyerkules.
Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio, nai-ulat ni General Santos City Airport Manager Joel Gavina na walang naitalang anumang pinsala sa paliparan.
Naiulat din na bukod sa Sarangani at General Santos, nakaramdam din ng pagyanig sa Davao de Oro, South Cotabato, Zamboanga City at Zamboanga del Sur.