NANATILI pa ring normal ang operasyon sa NAIA Terminal-3, gamit ang generator matapos makaranas ng power supply interruption ang paliparan.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang power interruption sa mga limitadong lugar ng terminal ay naka-iskedyul ngayong araw upang bigyang-daan ang pagpapalit ng mga may sira na medium voltage power cable at vacuum circuit breaker sa dalawang substation ng Terminal 3.
Kabilang sa mga lugar na naglagay ng temporary power sa NAIA Terminal-3 ay ang Asia office, Boarding Gates 101-112, moving walkways at elevators, Levels 2 and 3 ng international wing, Level 1 offices, food at retail outlets na matatagpuan sa south concourse ng Terminal.
Ang iskedyul ng shutdown ay nakatakda simula alas 7-11 am, mula Agosto 8-9, 2023.