Opisyal na pahayag ni VP Sara Duterte sa magulong pagpapatupad ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy kahapon

Opisyal na pahayag ni VP Sara Duterte sa magulong pagpapatupad ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy kahapon

OPISYAL ng nagpahayag si VP Sara Duterte sa magulong pagpapatupad ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy kahapon.

”Kaisa ako sa mga nananawagan ng maayos, katanggap-tanggap, at makataong pagpapairal ng batas at pagtataguyod ng hustisya sa ating bansa.

Kasunod ito ng magulong pagpapatupad ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy kahapon na sanhi ng kwestyonableng pagpapakita ng labis na pwersa at otoridad sa harap ng mga sibilyan.

Sa ating pagpapairal ng batas, huwag nating kalimutan ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga sibilyan, at mahalagang matiyak na malayo sa panganib ang mga kabataan.

Huwag din sana nating kalimutan na ang pandarahas sa ating mga mamamayan ay paglapastangan sa ating demokrasya.

Sana ay mapanatili natin ang respeto, kaayusan, at kapayapaan sa ating bansa.

Maging laging mahinahon din sana ang mga Dabawenyo at ang buong sambayanang Pilipino, at magkaisa ang lahat sa pananalangin para sa katotohanan at hustisya.”

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter