Opisyal ng PNP, kasama na nasawi sa air collision sa Washington

Opisyal ng PNP, kasama na nasawi sa air collision sa Washington

KINUMPIRMA ng PNP Public Information Office na isa si PNP Supply Management Division Chief Police Colonel Pergentino Malabed Jr. sa mga nasawi nang magsalpukan ang isang American passenger jet at US military helicopter malapit sa Reagan Airport sa Amerika noong gabi ng Miyerkules, Enero 29.

Si Col. Malabed ay kasama sa isang official travel para sa pre-delivery inspection ng 2,675 units ng all-purpose vests.

Ito na raw ang pinaka-deadliets air disaster na nangyari sa Amerika sa loob ng mahigit 20 taon.

Ayon sa mga report, may mga kilalang figure skaters at personalidad ang lulan sa nasabing passenger plane mula Kansas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble