OPM girl group na BINI, kasali sa “12 girl groups to watch in 2024” list

OPM girl group na BINI, kasali sa “12 girl groups to watch in 2024” list

KASALI ang OPM girl group na BINI sa 12 girl groups to watch in 2024″ list ng teen vogue.

Ayon sa naturang US Lifestyle Publication, dahil ito sa hit songs ng grupo gaya ng “Salamin, Salamin” at “Pantropiko”.

Nitong Marso nang ini-release ng BINI ang kanilang extended play na may pamagat na “Talaarawan” kung saan nakapaloob dito ang dalawang hit songs ng grupo.

Sa Hunyo 28-30, 2024 ay ang kauna-unahang solo concert ng BINI sa New Frontier Theater, Quezon City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble