OPS, nakibahagi sa pagdiriwang ng National Food Fortification Day ngayong araw

OPS, nakibahagi sa pagdiriwang ng National Food Fortification Day ngayong araw

NAKIISA ang Office of the Press Secretary (OPS) sa Department of Health (DOH)  sa pagdiriwang ng National Food Fortification Day ngayong araw, Nobyembre 7.

Inilathala ang naturang okasyon para maiwasan ang nutrient deficiency sa mga karaniwang pagkain.

Saad ng OPS, idinaraos ang National Food Fortification Day para bigyang-halaga ang food fortification o ang paglalagay ng mga bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, Iron, at Iodine sa mga pagkaing dumadaan sa proseso bilang tugon sa micro-nutrient deficiency.

Alinsunod ito sa nakasaad sa Executive Order No. 382.

Layunin din nitong itaguyod at itaas ang kamalayan gayundin ang kaalaman ng publiko sa food fortification o pagdagdag ng sustansya sa mga pagkain.

 

Follow SMNI News on Twitter