OPISYAL na inilunsad ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) at Ospital ng Muntinlupa (OsMun) ang Kolehiyo ng Medisina.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang Resolution No. 464-2022 na may petsang Setyembre 12 ang kahilingan ng PLMun at OsMun para sa pag-iisyu ng government permit to operate sa una at ikalawang taon levels ng Doctor of Medicine Program epektibong taong akademiko 2022-2023.
Ani Mayor Biazon sana ito ay magdulot ng bagong pag-asa sa public health service sa lungsod ng Muntinlupa at makapag-produce ng mga medical professionals na hindi lamang tutulong sa lungsod kundi sa buong bansa.
Samantala ang PLMun-OsMun College of Medicine ay ang unang medikal na paaralan sa Muntinlupa parehong city-run ang PLMun at OSMun.