NATAPOS na ng PNP Forensic Group ang isinagawang otopsiya sa labi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib na namatay umano sa sampal ng isang guro sa Antipolo City.
Sa ipinadalang mensahe sa SMNI News, sinabi ni Police Major Sotero Rodrigo, Public Information Officer ng PNP Forensic Group na tumagal ng halos 4 oras ang isinagawang otopsiya sa estudyante.
Kabilang sa isinagawang proseso sa labi ng estudyante ay ang internal examination kung saan tiningnan ang ulo, utak at dibdib ng biktima.
Tiningnan din ng mga eksperto kung may tinamong injury ang estudyante.
Habang malalaman sa otopsiya kung mayroon nang dating karamdaman na iniinda ang estudyante.
Aabutin ng 7 araw bago mailabas ang resulta ng otopsiya.
Sa ngayon, naibalik na sa Heaven’s Gate Chapel sa Antipolo City ang labi ng estudyante bago iburol.