OTS Security Screening Officer sa NAIA, nagsauli ng P40K cash na naiwan ng pasahero

OTS Security Screening Officer sa NAIA, nagsauli ng P40K cash na naiwan ng pasahero

ISANG Office for Transportation Security (OTS) Security Screening Officer ang nagsauli ng P40,000 cash sa isang pasahero na nakaiwan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Sa salaysay, natagpuan ni SSO Dian Mahinay ang pera na hindi sinasadyang nahulog sa ilalim ng X-ray conveyor belt ng isang 73-anyos na pasaherong si Andres Laforteza Gutierrez.

Agad na nakipag-coordinate sa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) si Dian upang ipaalam sa may-ari ang naiwang cash.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat ang may-ari ng pera gayundin si OTS Administrator Undersecretary Ma. O Aplasca sa katapatan ni Mahinay at agarang aksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter