Overseas internet voting, nagsimula na; Mahigit 1.3M na mga Pilipino sa abroad, inaasahang boboto sa midterm elections

Overseas internet voting, nagsimula na; Mahigit 1.3M na mga Pilipino sa abroad, inaasahang boboto sa midterm elections

NAGSIMULA na nitong April 13, 2025 ang pagboto ng mga Pilipino sa abroad gamit ang internet.

77 posts sa abroad ang gumagamit ng internet voting para sa halalang ito.

Unang nagbukas ang mga lugar sa New Zealand na sakop ng Wellington Philippine Embassy para sa internet voting.

Sunod na isinagawa ito sa mga bansang Australia, Japan, Korea, Brunei, Hong Kong, Malaysia, Macau, Indonesia, Taiwan, Singapore, Thailand, Vietnam, India, Pakistan, Uae, Jordan, Spain, Germany, Poland, Egypt, Sweden, The Netherlands, Uk, Argentina, Chile, USA, Mexico, Brazil, at United States of America.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nasa mahigit 1.3 million ang rehistradong botante sa abroad.

Ang mga rehistradong botante ay kailangan munang magpa-enroll bago makaboto gamit ang internet.

Ang pre-enrollment ay hanggang May 7, 2025, habang ang internet voting ay hanggang alas siyete ng gabi ng May 12, 2025.

Sa ngayon, nasa 47,976 na ang pre-enrolled voters.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble