Overweight na flight attendant, sususpendihin ng isang airline sa China

Overweight na flight attendant, sususpendihin ng isang airline sa China

SUSUSPENDIHIN ng Hainan Airlines sa China ang mga overweight na flight attendant bilang bagong patakaran ng airline.

Tumanggap naman ng batikos mula sa netizens ang nasabing airline.

Ayon sa isang ulat, isa lamang ito sa iilan pang patakaran ng airline patungkol sa ‘standard appearance’ para sa kanilang mga staff.

Dumepensa naman ang airline na nagsasabing, paraan lamang nila ito upang magkaroon ng healthy living habits at magkaroon ng efficient ang kanilang mga flight attendants.

Umani naman ito ng halong komento mula sa mga netizen.

Follow SMNI NEWS in Twitter