TUMUNGO ang OVP – BARMM Satellite Office sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong March 25-26, 2025 upang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan, kabilang ang mga bakwit sa Sulaik Clinic & Hospital.
Sa pangunguna ng Medical Director nito na si Dr. Tahir B. Sulaik, naipaabot ang Relief for Indigents and Individuals in Crisis and Emergencies (RIICE) Food Bags sa 1,000 indibidwal, kabilang ang mga bakwit sa ospital na biktima ng rido, mga nasunugan ng bahay, at mga walang kakayahang maglakbay patungong OVP-BARMM Satellite Office sa Cotabato City upang humingi ng tulong.
Bilang matagal nang katuwang ng OVP sa programang Medical Assistance, walang sawa at patuloy na nagsisikap ang Sulaik Hospital na mapaglingkuran ang mga nangangailangan.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ito sa OVP-BARMM Satellite Office upang matulungan ang mga biktima ng sigalot at mga nawalan ng tirahan sa pamamagitan ng RIICE program.
Ang Office of the Vice President ay patuloy na nagsusulong ng agarang tulong at suporta para sa mga pamilyang apektado ng sigalot at kalamidad at naglalayong matugunan ang mga pangangailangan at mapagaan ang kanilang pinagdadaanan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble