DAHIL sa matinding buhos ng ulan na nagdulot ng malalaking alon sa karagatan, nagtungo ang Office of the Vice President (OVP) sa Isla ng Arangasa, Aras-asan, Cagwait, Surigao del Sur upang magsagawa ng pamamahagi ng food boxes sa 90 pamilya, noong Pebrero 28, 2025.
Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ng OVP-Caraga Satellite Office sa pakikipagtulungan ng local government unit (LGU), barangay officials, coast guards at mga volunteers.
Ang mga natanggap na tulong ng mga mangingisda at kanilang pamilya ay kinabibilangan ng 5 kilong bigas at 6 na de-latang pagkain.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.