NAGSAGAWA ng tree planting activity ang OVP-Caraga Satellite Office sa Barangay Adlay, Carrascal, Surigao del Sur nitong Mayo 2, 2025 bilang bahagi ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng Office of the Vice President.
Sa tulong ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Cantilan, matagumpay na naitanim ang 100 indigenous seedlings sa lugar bilang suporta sa pangangalaga sa kalikasan at rehabilitasyon ng mga kagubatan sa rehiyon.
Layon ng kampanya na makapagtanim ng isang milyong puno sa buong bansa bilang tugon sa climate change at pagkasira ng kalikasan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President Facebook Page.