KASALUKUYAN nang ginagawa ng Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC) ang planning and coordination sa iba’t ibang mga local government units ng mga apektado ng Typhoon #KristinePH.
Sa kasalukuyan, ang OVP – Bicol Satellite Office ay naghahanda na ng hot meals para sa mga rescuers, responders at mga apektadong pamilya. Ang OVP – Cebu, Bohol and Siquijor Satellite Office naman ay magsasagawa na din ng paghahanda ng hot meals para sa mga stranded passengers sa pantalan.
Ang OVP – Pangasinan Satellite Office at OVP – Cagayan Valley Satellite Office naman ay may naka-preposition nang mga Relief Boxes para sa maapektuhan din ng bagyo sa kanilang nasasakupan.
Habang nagsasagawa ng coordination ang OVP-DOC, ginagawa na din ang repacking ng mga relief items upang ihatid sa mga apektadong lugar sa Visayas at Southern Luzon.
This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.