OVP, hindi na hihilingin ang confi funds pero pwedeng ibigay ng Senado—Sen. Tolentino

OVP, hindi na hihilingin ang confi funds pero pwedeng ibigay ng Senado—Sen. Tolentino

TINULDUKAN na ni Vice President Sara Duterte ang issue sa kontrobersiyal na confidential funds na bumabalot sa proposed budget para sa taong 2024 ng Office of the Vice President (OVP).

Sa budget deliberation ng OVP sa Senado, araw ng Huwebes ay binasa ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, ang opisyal na katayuan ng bise presidente kaugnay sa confidential fund.

Sa dokumentong binasa ni Sen. Sonny ay nakasaad na ayaw na itong hingin ni VP Sara dahil nagiging dahilan ito ng pagkawatak-watak. Dagdag din nito na bilang bise presidente ay kaniyang sinumpaan na kaniyang pananatilihing mapayapa at matibay ang bansa.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ni Sen. Francis Tolentino sa isang manifestation sa plenaryo sa Senado na bagamat hindi na ito hihilingin ng Pangalawang Pangulo ay maaari pa rin itong ibigay ng Senado.

Ayon kay Tolentino hindi nakadepende sa ahensiya o opisina ng gobyerno ang kanilang matatanggap na budget. Paliwanag ni Sen. Tol na batay sa Konstitusyon, ang panukalang budget na nanggaling sa Kamara ay maari pang amyendahan o baguhin ng Senado.

Follow SMNI NEWS on Twitter