OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Kabuhayan sa Pig, Kita ay Big!

OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Kabuhayan sa Pig, Kita ay Big!

SI Meljean, 35 taong gulang, ay isa sa mga benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program ng Office of the Vice President (OVP).

Dating overseas Filipino worker (OFW) si Meljean na nagdesisyong bumalik sa bansa upang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang pamilya.

Sa pamamagitan ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office, nakatanggap siya ng Php 15,000 livelihood grant upang mapalawak ang kanyang pig farming business.

Ngayon, siya ay kumikita na ng Php 4,500 bawat baboy.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble