OVP, nagpaabot ng cash assistance sa pamilya ng sundalong nasawi sa engkuwentro sa Lanao del Norte

OVP, nagpaabot ng cash assistance sa pamilya ng sundalong nasawi sa engkuwentro sa Lanao del Norte

NAGPAABOT ng cash assistance at bulaklak ang Office of the Vice President (OVP) – Western Mindanao Satellite Office sa pamilya ni Corporal Rey Anthony Salvador.

Isa si Salvador sa anim na Army personnel na nasawi sa engkuwentro sa mga miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) sa Munai, Lanao del Norte noong Pebrero 18.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nangyaring operasyon ay bahagi ng walang humpay na opensiba laban sa grupo na siyang nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City noong nakaraang Disyembre na nagresulta sa pagkamatay ng apat na katao.

Naniniwala naman ang OVP na makakamit din ng mga nasawing sundalo ang hustisya at ang ipinaglabang kapayapaan sa bansa.

Dagdag pa ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na sila ay saludo sa katapangan at kabayanihang ipinakita ni Salvador at sa mga kasamahan niyang handang magbuwis ng buhay para sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble