OVP nagsagawa ng relief operations sa Bicol para sa Typhoon Kristine

OVP nagsagawa ng relief operations sa Bicol para sa Typhoon Kristine

AGAD na umaksiyon ang mga kawani ng Office of the Vice President sa Legazpi City nitong gabi, Oktubre 23, 2024 para sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Sa pamamagitan ng OVP – Bicol Satellite Office, namigay ng hot meals at bottled waters ang mga kawani ng tanggapan sa mahigit 1,000 na mga frontliners at responders mula sa Legazpi City at Daraga DRRMO, Daraga Public Safety Officers, Legazpi City 911 Command Center, Albay Provincial Safety and Emergency Management Office, at Legazpi City Police Station and Community Police Stations.

Namigay rin ang tanggapan sa mga apektadong pamilya sa mga barangay ng Ems Barrio, Lapu-Lapu, Bitano, at sa mga apektadong mga estudyante mula sa Bicol University Legazpi and Daraga campuses.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President  Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble