SA patuloy na pagtulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng shear line, isinagawa ang relief operations nitong Enero 27, 2025 sa mga bayan ng Gubat at Santa Magdalena, Sorsogon.
Pinangunahan ng OVP – Bicol Satellite Office ang pamamahagi ng Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) Food Bags sa 142 apektadong pamilya sa bayan ng Gubat at 85 na apektadong pamilya sa bayan ng Santa Magdalena.
Lubos ang pasasalamat ng OVP sa Santa Magdalena Hog Raisers Association at Gubat Hog Raisers Association na buong pusong tumulong sa pamamahagi ng food bags.
Patuloy na maghahatid ng tulong ng OVP sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matiyak na walang Pilipino ang maiiwan sa panahon ng sakuna.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.