OVP nakiisa sa coastal clean-up sa Binangonan

OVP nakiisa sa coastal clean-up sa Binangonan

NAKIISA ang Office of the Vice President (OVP) sa isinagawang coastal clean-up na pinangunahan ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 109th Squadron sa Binangonan Port, Pritil Wharf, Binangonan, Rizal nitong Oktubre 5.

Kasamang naglinis ng mga basura ang mga tauhan ng Disaster Operations Center (DOC) sa coastal area ng Brgy. Libis, Binangonan, Rizal, upang makatulong na mabawasan ang mga basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng social responsibility ng OVP at pagsusulong sa pangangalaga ng kapaligiran upang tumugon sa hamon ng climate change.

 

This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble