NAMAHAGI ang Office of the Vice President (OVP) ng gift packs para sa mga kababayang kabilang sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) at food delivery riders nitong Disyembre 4 sa Serbisyong Bayan Park, Batasan Hills, Quezon City.
Sila ang mga magigiting na riders ng Angkas, Joyride at Food Panda na naghahatid sa atin sa ating mga destinasyon at mga pagkain na binili online.
Ngayon, sila naman ang hinatdan ng gift packs.
Umabot sa 1,200 na riders ang nakatanggap ng limang kilong bigas, spaghetti, spaghetti sauce at iba pang grocery items.
Katuwang ng OVP sa pamamahagi ang Department of Social Welfare and Development Central Office, Local Government Unit ng Quezon City, Brgy. Batasan Hills, at Batasan Police Station 6.