OVP, namahagi ng mahigit 5-K ng bigas sa Oriental Mindoro

OVP, namahagi ng mahigit 5-K ng bigas sa Oriental Mindoro

UMABOT sa 5,385 sakong bigas (269,250 kilo) ang naipamahagi ng Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa ginanap na relief operations sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, tumungo ang OVP-DOC sa mga bayan ng Pola upang ipamahagi ang 4,617 sakong bigas.

Namahagi rin ng 528 sakong bigas ang ahensiya sa Pinamalayan at 240 sakong bigas naman sa Naujan.

Dagdag ng pangalawang pangulo na ang relief mission ay pagpapatuloy ng nauna nilang operation noong April 25-27 kung saan 2,924 sakong bigas ang kanilang ibinigay para sa mga mangingisda sa mga bayan ng Bulalacao at Naujan, at lungsod ng Calapan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter